Sometimes You Just Fall In Love

Chapter 4 - Strike Three



Nasa Mecury Drug ako ngayon. Tapos na rin ako maglunch kanina doon sa office. Bibili sana ako ng gamot para sana don sa baby ng kuya ko. Kaso walang stocks. Kaya namili na lamang ako ng pagkain pang snacks mamayang hapon.

Nang biglang tinawag ako nang isang pamilyar na boses. 

"Kimberly?" 

Natigil ako sa pagbabasa ng nutrifacts sa hawak kong curls para tingnan kung sino iyon. Si Bella with her same casual suit, may blazer nga lang siya ngayon.

"Hi mam" ngiti ko. 

"Anong ginagawa mo dito?" she asked. 

Gusto ko sanang sabihin manood ng sine dito sa drug store. Kaso baka dito pa ako okrayin nito. 

"Ah may binili lang. Tapos eto tumitingin na rin ng pagkain para mamayang snacks" sabi ko sabay binalik ulit yung curls sa estante. Mahal eh. Yung tag sais lang ang hanap ko.

"Kayo, may binili rin po kayo?" I asked. Naglalakad na ako palabas ng Mercury drug. Nakasunod din siya sa akin. Mukhang paalis na rin yata siya.

"Ah yeah. May binili lang" pinakita niya sa akin iyong paper bag na hawak niya.

Tumango tango ako. 

Nang makalabas na kami ng Mercury. 

"Pabalik ka na ba ng office? Sumabay ka na sa akin" anya sabay tinuro yung maroon na vios na nasa tapat lang namin. 

Wow! Vios new car kaso... Napailing ako "Ah hindi na po. Dadaan po pa kase ako sa pharmacy". 

Kumunot ang noo niya. "hindi pa ba ito pharmacy?" tinuro niya yung mercury drug. Shit! Oo nga pala. Napapikit ako. Ang tangabels mo naman Kim.

"Ahmm, ang ibig ko pong sabihin, ibang pharmacy po. Kase wala pong stock yung bibilhin ko sana" ngisi ko. Yun oh, nalusutan ko kahit yun naman talaga ang toto!

Tumango tango siya "You sure? Pwede niya naman tayong ihatid sa opisina" sabi niya.

Umiling ulit ako at tumalikod. Maglalakad na sana ako nang. Niya? Ibig sabihin may kasama siya? Hindi niya kotse yon at hinatid lang siya dito? Saka ko lang naalala na naglunch out pala siya ngayon at posibleng kasama niya si Babe. OMG! Malaking scoop to!

Tumalikod ulit ako at humarap sa kanya. Buti nalang hindi pa siya tuluyang nakapasok sa kotse Papasakay palang sana siya sa passenger seat sa harapan. Sakto!

"Ah mam" tawag ko. Naitigil siya sa pagpasok at tumingin siya sa akin. "Okay lang po ba kung makikisakay na lang ako? Ngayon ko lang narealize na past 1 na pala. Malelate na pala ako" pagdadrama ko. 

Inayos niya ang takas niyang buhok at nilagay iyon sa kanyang tenga saka tumingin sa akin. Tumango tango siya "Oo, naman".

Yumuko siya at may kinausap lang saglit sa driver seat "Hey a friend is coming with us" nakita ko siyang ngumiti at pagkatapos bumalin ulit sa akin.

"Halika na" aniya. 

Napangirit ako at naexcite agad sa mga susunod na kaganapan.

Narinig ko yung pitik ng lock ng kotse sa may passenger seat. Sumulyap ako kay Bella.

Ngumiti siya sa akin "Lets go" anya sabay pumasok sa kotse.

Pumasok na rin ako. At siyempre unang hinagilap ng mga mata ko yung taong nakaupo sa driver seat. Naman, kuryus ako noh. Nabigo ako nang hindi ako nilingon ng lalake gaya ng inaasahan ko. Wa pakebels tdin tulad ni Bella. Sa halip ay pinaandar niya ang sasakyan.

Nang masettle ako sa aking upuan, sinulyapan ako ni Bella. 

"Kim, this is Ceejay, Ceejay this is Kim" saka lamang kami pinakilala ni Bella sa isa't isa. 

Sinulyapan ako ni Ceejay sa rear view mirror nito "Hi Kim, nice to meet you" nakangiti ang mga mata niya. Bitin naman, paano ko kaya siya maipapaharap sa akin? Ba naman yan!

"hello po" bati ko. At dahil hindi ko masyadong makita ang itsura niya hindi di ko rin masabi kung gwapo ba siya or what. Tanging mata at ilong lang ang nakita ko sa rear view mirror niya. Pero sa tono ng boses niya, he has a deep tone voice, lalakeng lalake ang dating. 

Iniisip ko kung siya rin yung kasama ni Bella nung nakita siya ni Steve.

"She's our bridal gown designer" dagdag pa ni Bella na para bang proud niyang sinabi yon.

"Oh I see, the one you told me. Yung magaling!" 

"Aha" tipid na sagot ni Bella at tumango tango.

Sure akong namumula ang pisngi ko ngayon. Dahil kahit pinaguusapan nila ako eh maganda naman ang naririnig ko galing sa kanila. And take note sinasabi pala ni Bella na magaling ako. Ibig sabihin pinupuri niya ako. Ang sarap sa feeling!

"E di sa kanya mo na rin ipagawa ang gown mo when we get married" sabi ni Ceejay. Nasa gitna kami ng traffic ngayon.

Nagtiim labi ako tumingin sa labas ng kotse. Kunwari wala ako sa likod nila.

"You sure of that?" she asked sabay tumawa ng mahina. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

WTF! Kasasabi mo lang na magaling ako pero bakit parang ayaw mong akong gagawa ng design para sa bridal gown mo? Pero bago paman ako nakapagsalita.

"O Kim, narinig mo yun?" nilingon ako ni Bella at tuminingin sa akin. 

Maganda ako Bella pero hindi ako bingi. Siyempre narinig ko yon noh!

"Ikaw daw ang gagawa ng design para sa gown ko" ngumiti siya. Diretso ang mga mata niyang tumitig sa akin. 

Ngumisi ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganyan ba talaga ka expressive yung mga mata niya. Yung napapatig ka na lang sa brown eyes niya. Tapos nakikita mo na yung kaluluwa niya, her beautiful soul!



"Kim!" 


"KIMBERLY!" she snapped me.


"Huh" 


"We're here!" umirap siya sa akin at binalingan si Ceejay para magpaalam.


Huli na nang marealize kong nakapark na pala ang sasakyan sa tapat nang opisina namin. Was I caught dumbfounded again?

"Ingat sa mga pasyente mo" tumawa siya ng mahina "sige na, bye" at hinalikan si Ceejay sa lips. An open mouthed kiss. Napanganga ako. Ammmp SPG po! May tao po dito.

I swear to you guys, kung awkward na sa pakiramdam ang makita ang kaibigan mong magjowa na magkiss sa lips sa harapan mo. What more pa kaya yung hindi mo naman sila gaano ka friends? Yung hindi mo sila ka-close?

"Salamat sa paghatid" sabi ko at bumaba na rin. 

Sumunod ako kay Bella habang pumapasok sa aming opisina.

"Alam mo Kim, minsan magpatingin ka na sa doctor" walang ano mang sabi niya sa akin. Patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Po?" 

"eh kase naman lagi kang nawawala sa sarili mo. Lumulutang yung isip mo nang wala sa oras. Magpatingin ka kaya at baka kung anong sakit na yan" panuya niya. Matagal niya akong tinitigan na para bang may sakit nga talaga ako na nakakadiri.

Umigiting ang panga ko, naramdaman ko ang konting inis na bumabalot ngayon sa aking systema. Ang sarap tirisn ang kumao na to dahil kailanman ay hindi pa ako nainsulto nang ganon. Nakakainis lang!

"Nurse po ba siya mam?" imbes na patulan siya ay inilihis ko na lang ang pambabara niya. Kunwari wala akong nafeel.

Tumigil kaming pareho sa paglalakad. Nasa opisina na kami. Mula sa kinatatayuan ko ay naaninag ko ang baklang si Steve. Panay ang sulyap sa amin ganon din ang iba ko pang mga kaibigan, mga chismoosang frog! Bobombahin na naman ako ng mga tanong nito, pwes maghintay kayo!

"He's a doctor" tipid niyang sagot. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinalikuran na niya agad ako at pumasok agad sa kanyang opisina.

Hindi paman ako nakakarating sa mesa ko "Anong meron, bakit magkasama kayo?" salubong sa akin ni Mariel. 

Humalukipkip si Steve at tumayo sa gilid ko. Nalaglag ang panga ko nang nihead to foot niya ako na para bang may ginawa akong kababalaghan. Duh! Kababalaghan? At kay Bella pa talaga?

Napansinghap ako. "Nagkita kase kame sa Mercury Drug. Eh nagkataon naman na pabalik na siya ng opisina, ayun nakihitch na rin ako".

"Hitch?" tanong ni Nick, curiousity was written on her face. 

"Oo, pero mamaya ko na ichika sainyo dahil baka mabisto ako. Sa ngayon balik muna tayo sa trabaho" ngumisi ako at agad silang tinalikuran. 

Iyon nga ang nangyari. Maghapon ng araw na yon ay naging abala kami sa iba't iba naming trabaho. Ilang beses din ako nagpabalik balik sa mga tailors upang i-check yung tinatahing gown para sa bridal collection namin. 

"Hay nakakapagod" sabi ko habang minamasahe yung kaliwang braso ko. 

"O nasaan na meryenda mo?" tanong ni Mariel. Nakaupo siya sa tabi ni Nick, as usual. Hindi mapaghihiwalay ang magjowa na to.

Umiling ako at bumusangot "hindi ako nakabili eh. Kaya eto magkakape nalang ako. Penge naman ako niyan" sabi ko sabay kinuha agad ang malaking piatos na kulay blue na nasa mesa lang. Hindi ko alam kung kanino yon. Pero salamat na rin. 

"So ano na girl? Ano yung ichichika mo sa amin?" hindi naman halata kay Steve ang pagka atat. Nakangisi siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko. Kumuha rin siya ng piatos at sumubo.

Maingay ang pagnguya ko sa piatos habang pinaprocess ko pa sa utak ko yung mga nangyari kanina.

"So eto na nga, may kasama siya. Pero hindi naman ako sigurado kung siya din ba yung nakita mo?" umpisa ko at tumingin kay Steve. 

"Moreno ba?" Tanong ni Steve. 

Bumagsak ang labi ko sa sinabi niya. Alam kong hindi ko siya masyadong nakita, pero kaya ko naman ikumpara ang moreno sa maputi. Eh maputi si Ceejay. 

Umiling ako. "maputi yung guy".

"O may god, ibig sabihin, madaming boyfriend si Mam Bella?" hindi makapaniwala ang mukha ni Ruby sa ngayon.

"Wow madami agad?" ang OA ng reaksyon ni Mariel. Pero mas OA tong si Ruby.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Eh hindi naman tayo sigurado kung yung nakita ba ni Steve ay boyfriend niya rin. Kase etong si Ceejay"

"Ceejay?" nanlaki ang mga mata ni Steve nang tumingin sa akin 

"kilala mo?" Tanong ko.

"Hindi" iling niya. Umirap ako. 

"Ceejay ang name niya?" at inulit ulit pa nang maingay na si Steve. Kainis talaga tong bakla na to!

"Ano ba ang ingay ingay mo" sinimangutan ko siya. 

"So okay, ano meron kay ceejay?" binulong ni Mariel ang huling salita niya.

"Maputi siya, saka isa siyang doctor. Doctor din ba yung nakita mo?" bumalin ulit ako kay Steve. 

Umasim ang mukha niya at umiling.

"Well pwede naman na, naging boyfriend niya rin yung nakita ni Steve, pero hindi sila nagtagal, nagbreak, tapos nakilala ni mam itong si Ceejay. Nagkagustuhan sila, kaya naging sila" paliwanag ni Nick logically.

Tumango tango kaming lahat. May point siya! Kumuha ulit ako ng piatos at sumubo.

"Teka lang hindi ba bad ang ginagawa natin?" tanong ni Ruby sa kawalan. Minsan talaga tong si Ruby may pag ka ewan din eh. Sumandal ako sa upuan at nailing. 

Tinignan namin siya. "Pinaguusapan natin si Mam Bella" napabuntong hininga siya at para bang sorry-ng sorry siya para kay Bella dahil sa ginagawa namin.

"Ah Ruby, iba naman yung pinaguusapan sa sinisiraan. Hindi naman natin sinisiraan si Mam Bella. We talk behind her because we are just curious about her. Pero it doesn't mean anything" muling nagsalita si Nick.

"At isa pa, from now on confirmed na, na hindi nga siya tomboy gaya nang iniisip nitong lokaret na to" at ako na naman ang tinuro ni Mariel.

"Ako talaga?" tanong ko. 

"Oo, ikaw!" mariin niyang sabi.

Nagtiim labi ako. Kahit papano ay medyo nagiguilty rin ako. Hindi dahil sa pinagkamalan ko siyang tomboy, kungdi dahil siyempre pwede ko rin naman hindi na lang sana ikwinento sa kanila yung nalaman ko, di ba? Pero kwinento ko pa rin. Kaya somehow parang ako rin ang may kasalanan.

Siguro dahil sa ginagawa namin, hindi na mabilang kung ilang beses nang nabibilaukan si Bella ngayon, o di kaya dumudugo na yung dila niya sa kakagat nito.


Nakapalumbaba ako sa harap ng monitor ko. Tahimik at tulala. Nagiisip nang malalim. May iniisip ba talaga ako?

"Ay PUCHA!" sigaw ko nang may maramdamang humawak sa aking balikat.

Napapikit si Bella sa bigla. "Kimberly naman!" Napahawak siya sa kanyang dibdib. She stared at me.

Gabi na kase at wala na rin halos tao dito sa opisina. Kaya kinabahan talaga ako, akala ko talaga multo.

"Sorry po mam, akala ko kase multo eh" grabe! Natakot talaga ako don. 

"Mukha ba akong multo?" Umirap siya sa akin. 

Gusto kong sabihin White Lady? Kase maptui ka na nga puti rin damit mo. Halata sa mukha niya ang pagkairita at hindi natutuwa sa nangyari. Hinihimas pa niya ang kanyang dibdib. Dahil siguro sa pagkagulat.

"Sensya na po mam" sabi ko apologetically.

"Grabe, eskandalosa ka pala, noh." dagdag niya at umirap. 

Wow! Ako na nga tong tinakot mo, pero ako tong nagsorry at humingi ng pasensya sayo, tapos iinsultuhin mo pa ako ng ganito? Nakakadalawa ka na, warka!

"What were you doing here by the way at this hour?" maarteng tanong niya at halata parin sa boses niya ang pagkairita.

Maingay ang paglunok ko sa aking laway bago magsalita "may tinatapos lang po akong design" sabi ko. 

Humakbang siya ng konti papalapit sa akin "Ginagamit mo na pala tong XP-Pen" sabi niya, medyo kalmante na siya ngayon. Kinuha niya yung XP Pen sa mesa ko at binuksan. Nag scroll scroll siya don.

Pinanood ko siya habang nagi-scroll sa XP. Minsan ay nakikita ko siyang tinatagilid ang kanyang ulo, hindi ko alam kung required ba yon kapag nagi-scroll ka sa cellphone or sa tablet or sign ba yon na napapangitan siya sa gawa ko or what?

"First time ko pong gamitin yan. Medyo nahihirapan ako kase hindi naman ako teki masyado" paliwanag ko. 

I heard her chuckled "paano ka ba natutong maglaro ng ML?" she asked out of the blue. 

ML? Bakit naman napasok ang pag e ML ko dito sa usapan? Sumulyap siya sa akin. Nagangat ang kilay niya habang hininitay ang sagot ko. Seryoso ba siya?

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" nauutal ako.

Tumawa siya at nailing. Nilagay niya ulit yung XP-Pen sa mesa ko "Lahat naman tayo nag-uumpisa sa pagiging walang alam. Ituring mo na lang si XP-Pen na parang si ML. Mahirap sa umpisa pero dahil ginalingan mo naging expert ka"

Sa totoo wala na naman akong naintindihan sa sinabi niya. Dahil tinitigan ko lamang siya sa kung papano niya ginagalaw ang bibig niya. 

"Umuwi ka na" 

Hindi ko napansin na tinalikuran niya na pala ako at naglalakad na siya pabalik sa kanyang opisina.

"Tatapusin ko lang po ito mam" sabi ko. 

Tumigil siya paglalakad at muling humarap sa akin "Wag na!" matigas niyang sinabi at pagod akong tinitigan.

"The last time you went home 7pm yon, and the next day you came in 10am" sinilip niya ang kanyang relo bago nagsalita ulit "past 8 na, baka alas onse ka nang makarating bukas niyan" panuya niya at tinalikuran agad ako. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong idepensa ang sarili ko. 

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Siguradong sigurado ako na sa mga oras na yon, pulang pula na ang pisngi ko dahil sa inis. 

Strike 3 na siya para sa araw na to ha. 

Ano, nakumpleto ko ba ang araw mo Bella? 




Hi Everyone,

 

Please Don't forget to subscribe for more update on my story. Thank you. 





Comments

  1. Hi Everyone, don't forget to subscribe or follow me for more updates in this story.
    Thank you!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sometimes You Just fall In Love

Sometimes You Just Fall In Love