Sometimes You Just Fall In Love
Chapter 1 - Ang Weird “Maganda naman, pero bakit parang hindi siya pareho sa gusto ni Ms. Agape?” tanong ni Bella, ang wedding organizer at head ng Marry Me, Marry Me, nang sumulyap sa akin. Puno ng katanungan ang mga mata niya, ngunit mas nanaig ang pagkadismaya na umukit sa kanyang mukha. Nakaupo ako sa harapan niya sa pagitan ng kanyang mesa. Gabi na ngayon, kung kaya kami na lamang dalawa ang natitira dito sa shop. Kinailangan ko kaseng ipakita sa kanya iyong mga bridal designs na ginawa ko para sa kliyente namin. And this is just all I got from her. Disappointment! Hindi pa kasali diyan ang mga bulati sa tiyan ko na kanina pa nagrereklamo dahil sa gutom. Anong oras ba kami matatapos dito? Sinilip ko ang relo ko, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang sinilip ang relo ko, at shaks mag aalas syete na! Sinilip ulit ni Bella ang hawak niyang sketch book. Paulit ulit niyang tinignan ang magkabilang pages na naglalaman ng mga Bridal designs ngunit paulit ulit din siyang nap...