Sometimes You Just Fall In Love
Chapter 2 - Gandang Nakakadistract "Wow! this is really good! I really love the designs Ms. Arnaiz. Magaling ang Bridal designer na mo" tuwang tuwa si Ms. Agape pagkatapos niyang makita ang ginawa kong mga designs. Siyempre sinunod ko na yung utos ni Bella na sundin ang gusto ng kliyente. And Yes, I made it to the timeline! Halos hindi na nga ako natulog kagabi para lang matapos kong gawin yung mga designs na ipapakita kay Ms. Agape ngayon. Buti na lang at nagustuhan niya! Dahil pag hindi malilintikan na naman ako kay Bella. "Maraming salamat din po Ms. Agape at nagustuhan niyo po yung mga designs" lumapad ang ngiti ni Bella natutuwa sa kanyang nakikita. "I really Love it. Super! Talagang kuhang kuha niya ang designs na gusto ko" binalingan ako ni Ms. Agape. I smiled at her medyo pilit nga lang. Bakit? Eh ano naman ang kinaganda diyan sa designs na gusto niya? kung alam niyo lang? Masyadong old fashion. Heller! 2020 na kaya! Panahon pa ng kopong kopong...