Sometimes You Just Fall In Love
Chapter 2 - Gandang Nakakadistract
"Wow! this is really good! I really love the designs Ms. Arnaiz. Magaling ang Bridal designer na mo" tuwang tuwa si Ms. Agape pagkatapos niyang makita ang ginawa kong mga designs. Siyempre sinunod ko na yung utos ni Bella na sundin ang gusto ng kliyente.
And Yes, I made it to the timeline! Halos hindi na nga ako natulog kagabi para lang matapos kong gawin yung mga designs na ipapakita kay Ms. Agape ngayon. Buti na lang at nagustuhan niya! Dahil pag hindi malilintikan na naman ako kay Bella.
"Maraming salamat din po Ms. Agape at nagustuhan niyo po yung mga designs" lumapad ang ngiti ni Bella natutuwa sa kanyang nakikita.
"I really Love it. Super! Talagang kuhang kuha niya ang designs na gusto ko" binalingan ako ni Ms. Agape. I smiled at her medyo pilit nga lang.
Bakit? Eh ano naman ang kinaganda diyan sa designs na gusto niya? kung alam niyo lang? Masyadong old fashion. Heller! 2020 na kaya! Panahon pa ng kopong kopong yan eh. Millennial time na poh, kaya hindi umuusad ang Pilipinas eh, dahil naka stuck up tayo sa sinaunang panahon.
"Kung ganon, sisimulan na ba namin gawin ang mga gowns?" tanong ni Bella.
"Yeah sure. Provide us your schedule for fitting. At papapuntahin ko na lang sila dito sa shop niyo" sabi ni Ms. Agape.
Pagkatapos ma-iset ang schedule for fitting ay umalis na rin si Ms. Agape. Bumalik na ulit kami sa aming mga gawain. Tinurn-over ko na rin iyong mga designs kay Ruby, siya kase ang head ng tailors.
"Ah Kimberly" tinawag ako ni Bella. Nilingon ko siya. Nakatayo siya malapit sa pintuan ng opisina niya.
"You did a good job. Keep it up!" sabi niya.
"Salamat po mam" ngiti ko. Tumango lamang siya at pumasok na sa kanyang opisina.
"So friendship na ulit kayo?" tanong ni Steve na nakangisi.
"Sira! Hindi naman kami magkaaway niyan" simangot ko.
"Asus, kagabi nga lang halos murahin mo yung tao eh!" ngumisi ulit si Steve.
Pinandilatan ko siya "ssshhh, ano ka ba!" saway ko sa mahinang tono. Ito naman kaseng baklang to, hindi nagiisip.
"Hay naku, magpasalamat na lang tayo na nagustuhan ni Ms. Agape yung mga designs. Kase kung hindi, lahat tayo masasabonan. Eto kase eh" sabay tinuro ako ni Mariel na busangot ang mukha.
Namilog bigla tong mga intsik kong mata "huwow, ako?" tanong ko.
"Oo, ikaw talaga" bilog na bilog din ang mga mata niyang tumingin sa akin. Ano pabilugan ba tayo ng mata? Siyempre talo ako sa kanya di ba? Kaya wag na lang.
"Kung hindi ka ba naman panay ML, di sana maayos mo nagawa yung unang designs mo. Panay ML ka kase, kaya ayan! Saka isa pa, itigil mo na yang katigasan ng ulo mo, yung hindi mo pagsunod sa mga gusto ng kliyente. Magtanda ka nga!" panay pa rin ang sermon ni Mariel kahit nakaupo na siya sa kanyang mesa.
Nang sumulyap siya sa akin, ngumisi lang ako. Ngising malademonyo at nailing na lang siya.
"Mariel, millennial na tayo ngayon. Kasalanan ko ba kung yung mga gusto nilang designs eh panahon pa ng mga hapon" sabi ko.
"O edi ikaw na ang millennial dito" sabi ni Nick nang makaupo sa pwesto niya.
"Kaya hindi ka seryoso sa trabaho mo kase millennial ka, hmmm" nakiata ko ang pag ismid ni Steve.
Lahat sila ay nagkunwaring may ginagawa at hindi na ako pinansin. Mga walang hiya!
Napabuntong hininga na lang ako. May God! It's 2020 guys! Masayado naman tong mga seryoso. Just live life and sieze the moment! Ganyan lang dapat.
"Psst!" kinalabit ako ni steve nang nakangisi.
Nagtataka akong tumingin sa kanya "ano?"
"Si jack nandito" bulong niya sa akin at kilig na kilig.
Siyempre pati ako din noh! Naexcite ako sa sinabi niya "saan?" tanong ko at hinanap si si Jack.
"Nandoon sa opisina ni Mam. May mga dalang papel" singit naman ni Ruby na galing pantry at may dalang tasang kape. Napansighap ako sa sarap ng amoy ng kape. Pero yung mga mata ko nandon parin sa pintuan ni Bella. Sumilip at hinihintay ang paglabas ni Jack.
Nataranta kaming magsibalikan sa aming upuan nang sandaling lumabas si Bella at Jack, kunwari, busy-busyhan ang peg para hindi bistado.
"Hi Sir Brandon, Good afternoon po"
Sabay sabay namin binati si Sir Brandon na binansagan naming Jack nang dumaan siya sa amin. Ang gwapo niya! Para siyang si Leonardo DiCaprio don sa palabas na Titanic. Ngumiti siya at kinawayan kami bago umalis at lumabas ng aming opisina. Sigurado akong namumula ang pisngi ko ngayon dahil sa mga ngiti niya. Jack! Jack! Don't leave me.
Si Bella naman ay hindi na namain pinansin baka nasa pantry.
HR head namin si Sir Brandon. Gaya ng sabi ko kamukha niya lang naman si Leonardo DiCaprio. Lahat na yata ng babae dito ay may crush sa kanya. Mali, patay na patay kamo! Yung ngiti niya naku! Nakakaluwag ng panty! Kaya dapat lagi kang may baong perdible.
Yon nga lang, happily married na siya. So R.I.P for us! Kaya hanggang pangarap na lamang siya lalong lalo na sa mga bading na tulad ni Steve. Oo tulad ni Steve lang hindi ako kasama. Chos! Pero swear talaga hanggang crush ko lang siya.
Nang umalis si Sir Brandon, pumasok naman si Zack, finance staff namin. Matangkad at Moreno, hindi mataba pero malaking tao. May itsura at siyempre may girlfriend na rin.
"Uy Zack, long time no see ah" aniya ni Ruby.
"Namiss niyo ba ako?" ngumisi ang pilingero.
Makwela at palabiro si Zack, kaya lahat kami ay magaan ang loob sa kanya. Sa tuwing pumupunta siya dito sa office, wala na kaming ibang ginawa kungdi ang matawa at tumawa.
"Nasaan si Mam Bella?" tanong ni Zack. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mukha ba akong lost and found" pagtataray ko.
"Tsk, ikaw talaga" sabay pinisil pisil ang pisngi ko.
"Hoy ano ba" hinawi ko ang kamay niya "Yung kamay mo! Pambihira kung ano anong hinahawakan mo tapos hinahawakan mo tong mukha ko" simangot ko. "Do'n ka nga!" tinaboy ko siya patungo kay Steve
Nginisian lamang ako ni Zack at pagkatapos ay pinuntahan na si Bella sa opisina nito. Hindi rin naman nagtagal ang kanilang paguusap. Lumabas din ulit si Zack at dinaluhan ulit kami para makigulo.
"Zack, namiss mo ba kami?" kumikirengkeng na naman si Steve. Ang landi lang ng pagkasabi niya.
"Aba, siyempre naman kailangan pang imemorize yan?" sagot ni Zack ngunit ang mga mata niya ay nakapako sa akin. Kinindatan pa ako. Para akong nakakain ng sampaloc sa ginawa niya.
"Asa ka pa Steve, eh si Kimberly ang namiss niyan. Parang hindi pa tayo sanay na sa tuwing nandito yan, nandiyan siya parati sa table ni kim" sabi ni Mariel.
"Sshht!" saway niya kay Mariel "Ano ka ba, secret lang dapat yon. Binisto niyo naman ako eh" tumawa si Zack.
Sira ulo talaga tong mokong na to! Hindi ko mapigilan ang matawa sa kanya "hoy matagal ko ng alam ang sikreto mo. O ano man tayo na lang?" biro ko.
"Huy wag kang ganyan" kinilig na litanya niya. Imiginin niyo na lang ang laki niyang tao tapos kinikilig ng ganyan. Pigilan niyo na lang ang umiling.
"Naku! Mahirap nang magkasala!" pailing iling niyang sinabi, pero kilig na kilig pa rin. Lalo lamang umingay ang opisina dahil sa tawanan namin.
Ang totoo niyan, engaged na si Zack sa long time girlfriend niya. Pero hindi rin lihim sa amin na may crush siya sa akin. Ganda ko noh? May pan laban din tong beauty ko.
"Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kelan ang aking puso'y mayroon ng laman" bigla siyang kumanta. He sung dramatically kahit wala sa tono. Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya dahil ang korny! Pero infairness nakakatawa din siya.
Tawang tawa kami habang patuloy siya sa pagkanta. And there, right from the corner of my eyes, I saw Bella. Standing right beside her office door. Holding her cup of coffee while flashing her smile. Ngiting nakaka... Ah perfection smile na lang!
Ang buong akala ko ay papagalitan niya kami dahil ang ingay namin. Ngunit, maski siya ay sumasabay na rin sa tawanan at biruan ng grupo. Binalingan ko ulit nang tingin si Zack, panay parin ang kanta niya. Napapailing na lang ako dahil sa kakornyhan niya.
Sanay akong sumakay at makisabay sa mga lalakeng may gusto sa akin. Kaya hindi nagging mahirap para sa akin ang sakyan si Zack. Kahit alam kong may crush sa siya akin, komportable pa rin akong makihalubilo sa kanya. Buo rin naman ang tiwala kong hindi niya lolokohin ang girlfriend niya. Kase ba naman, alam lang naman ng buong mundo kung gaano siya ka-under sa jowa niya.
And lastly, kahit wala siyang girlfriend, hindi rin siya papasa sa akin. Kung bakit? Dahil pang tropa lang talaga siya.
Nagkaroon din naman ako ng mga boyfriend dati. Hindi ko nga mabilang kung ilan eh. Siyempre maganda tong lola niyo. Pero yung pinakamatagal, 2 years yata. Ewan, hindi rin ako sigurado.
Nung maghiwalay kami ng ex ko, simula non napagod na ako sa pakikipagdate. Kaya ineenjoy ko na lang ang pagiging single. Nasobrahan na nga yata ang pageenjoy ko eh dahil umabot ba naman ng limang taon, magphanggang ngayon, single pa rin ako! Tsk tsk.
Ang sabi ko kase kay Lord, kung magkakaroon man ulit ako ng boyfriend, gusto ko, siya na yung last. Siya na yung mapapang-asawa ko. Pero piling ko parang inubos na ni Lord yung mga matitinong lalake sa mundo, dahli kung hindi ba naman may asawa, baklush naman! Nasaan na ba sila?
"Kimberly, Steve at Ruby"
Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Bella at tinawag ang mga pangalan namin.
"Bago kayo umuwi, dumaan muna kayo sa office ko" sabi niya sabay tumalikod agad at pumasok sa kanyang office. Nagkatinginan kaming tatlo at nagtataka kung bakit at kung para saan yung pagtawag niya sa amin?
Nagkibit balikat si Nick at blanko naman ang ekspresyon ni Steve nang tiningnan ko sila.
"Galing kanina dito si Brandon. May nabanggit siya sa akin" umpisa ni Bella.
Nakaupo ako sa right side sa pagitan ng table niya, katabi ko naman si Ruby at nasa harapan ko naman si Steve.
"May nirecommend siyang kliyente sa atin. Family close friend. Anak ng Kapitan ng Monteverde" dagdag pa ni Bella.
"Monteverde?" bahagya kong tinagilid ang aking ulo. Pamilyar sa akin ang lugar pero sigurado akong hindi pa ako nakapunta doon.
"12 hours ang byahe mula dito sa ciudad patungong Monteverde. And traveling back and forth would be so exhausting for us. But, dahil sa kagustuhan ng Kapitan na gawing engrande ang kasal ng nagiisa niyang anak na babae. Willing siyang magbayad ng malaki. Willing siyang gumastos para sa pamasahe, food at accommodation. Yon ay kung sakaling tatanggapin natin ang offer"
Nanatili kaming tahimik habang patuloy parin sa pagkikiwento si Bella. Habang nagkikiwento siya ay nakatingin lamang ako sa mukha niya. Kung paano gumalaw ang mga mata niya, ang bibig niya maging ang ulo niya, and the way she flips her wavy hair. Baka maniniwala na akong may gandang nakakadistract. Ang ganda niya! At sa tatlong taon ko dito may mga naririnig naman ako na may kadate siya, pero wala ni isa man lang don ang nakikilala ko o namin. Kaya nakakapagtaka lang kung saan napupunta ang mga lalake niya pagkatapos? WTF kinakain kaya niya? Naglalaho kase sila nang parang bula.
"Kim"
"Kim!"
"Huy Kimberly!"
Bahagya akong nahimasmasan nang maramdaman ang mahinang pagalog ni Ruby sa balikat ko.
"Huh" wala pa ako sa sarili ko nang sagutin ang tawag nila. Sinulyapan ko si Bella na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako.
"We're you listening to me all this time?" naiiritang tanong niya sa akin.
"Opo Mam" I lied at umupo ng derecho. Buti na lang ay hindi niya na itinanong sa akin kung anong huling sinabi niya. Dahil mabibisto talaga ang pagsisinungaling ko.
Umirap siya sa akin "So as I was saying, kaya kayong tatlo ang pinatawag ko dito dahil, Ruby" binaling niya ang kanyang tingin kay Ruby "ikaw ang in-charge sa tailors. "Kaya kinailangan mong bumyahe para malaman kung kakayanin nila yung demand ng kliyente" sabi niya saka binalingan ng tingin si Steve.
"Steve, ikaw naman ang wedding coordinator, so dapat ka lang din bumyahe. At ganon ka rin Kimberly" mariin niyang sinabi nang tumingin sa akin.
"Kung ako lang ang tatanungin, wala itong problema sa akin. I mean this is work after all. At malaki din naman yung kikitain ng Marry Me Marry Me dito. Pero siyempre hindi ko ito magagawa nang ako lang. Kaya ko sinasabi ko to sa inyo ngayon"
"Eh Mam, kalian naman daw yung kasal?" tanong ni Steve.
Sumandal si Bella sa kanyang swivel chair at huminga ng malalim bago magsalita ulit "Sa May. Pero wala pang specific date. Pero sigurado na sila sa May"
"Huh? Kakayanin kaya natin yon? Rush pero dapat engrande?" tanong ni Ruby. May pangamba sa kanyang boses.
"Sa October pa naman ang kasal ni Ms. Agape. So may enough na time pa tayo para asikasuhin to. Perhaps, pwede natin unahin ang kasal nang anak ni Mr. Monteverde. Pagkabalik natin ay saka natin itutuloy ang pagpaplano nang kasal ni Ms. Agape. Total ayos naman ang lahat. Umokay na rin naman siya sa bridal gown designs niya. So I think wala na tayong makikitang problema don"
"Unless kung aagahan nila ang kasal" sabi ni Steve.
"Which I doubt na mangyari" sabi naman ni Bella ng punong puno ng kasiguraduhan.
Nagkatinginan pareho si Ruby at Steve, tahimik silang pareho at malalim ang iniisip. Ni hindi man lang ako sinali. Kung sabagay wala naman sa akin ang pressure. Kase ako mag-iisketch lang naman ako eh. Kaya kung ako din ang tatanungin, go lang din ako. Where there is money, there is Kim!
Sa wakas makakabili na rin ako nang bagong cellphone kung sakaling malaki ang ibabayad ni Kapitan Monteverde. Ngumiti ako na para bang lumilipad ako sa ulap. Brand New Cellphone!
"Is there something funny Kimberly?" sita sa akin ni Bella.
Nalaglag ang panga ko nang tumingin sa kanya "huh?" sabay iling.
Hindi na ako nagsalita pa dahil baka ma-deads na talaga ako dahil nakikita ko na ang inis sa kanyang mukha ngayon. Inis na inis na siya ngayon.
"Ah mam, kung sa tingin niyo naman po ay kaya natin. Wala rin pong rason para isipin namin na hindi natin to makakaya" nagsalita na ulit si Ruby. Pagkatapos ng ilang minutong pagiisip.
"Okay na po Mam, tanggapin na po natin yung offer. Sayang din yun! Saka first time natin magkaroon ng kliyenteng government official. Pagnagkataon, malaking exposure rin to para sa Marry Me, Marry Me" sabi naman ni Steve.
Pumalakpak ang tenga ko. Ang galing talaga ng mga kaibigan ko. Naisip pa nila yun? Ako kase hindi eh.
Sinulyapan ko si Bella, nakangiti na siya ngayon at patango tango habang nakatingin kay Steve. She seems so happy, nawala bigla ang inis aba siyempre malaking kita din yon noh. Sinong hindi matutuwa?
Napako ang titig ko sa kanya. WTF! What a beautiful distraction!
Comments
Post a Comment