Sometimes You Just fall In Love
Chapter 3 - Sinong Judgemental
"Kamusta naman ang date niyo kagabi" maarteng tanong ni Steve kina Mariel at Nick nung breaktime namin.
"Okay lang" walang ano mang sagot ni Nick at nagpatuloy lamang sa pag-kain."hay nako speaking of date" sabi ko. "Naloka ako kay mama" umiling ako."Oh bakit naman?" tanong ni Mariel habang ngumunguya."Don't tell me may k-date si Mother dear mo?" sabi naman ni Steve at mukhang nasurpresa.Umirap ako "Sira! Hindi!" sabi ko."Kase ba naman, nalaman ko lang naman na tinitext pala siya ng ex ko" pagtuloy ako."OMG, ang ganda ng mother mo girl, biruin mo type siya ng ex mo" tumawa si Steve at nakipaghih five pa kay nick.Sinimangutan ko si Steve dahil sa sinabi niya "Sa tingin mo ba ganon yon?""Ito naman di na mabiro. O siya ituloy mo ang kwento" sabi niya."So ayun nga, sinabi sa akin ni Mama na nagtititex nga daw sa kanya yung ex kong si Justin. Nagpapaalam daw sa kanya kung pwede niya ba daw na ligawan ako ulit" so ayan na nga inumpisahan ko na talaga ang pagkwento.Eight months ko lang nagging boyfriend si Justin, pero hindi siya yung nagging huling boyfriend ko. At kung tatanungin niyo ako kung pang ilang na siya, hindi ko na rin alam.Bago pa man ako nakapagsalita ulit."Can I join?" tanong ni Bella. Na laging nakaputi ang pangitaas at nakaslacks.May bitbit din siyang Jollibee Spaghetti at coke mukhang galing pa siya sa labas para lang umorder."Yes po mam"Sabay sabay nilang sinagot si Bella. Habang ako deadma at ay nagpatuloy sa pagkain."Nasaan si Ruby?" Tanong ulit ni Bella nang mapansing niyang wala ito."Naglunch-out mam kasama yung boyfriend. Monthsary daw kase nila" si Steve ang sumagot. Ngiting ngiti siya na para bang siya ang kinikilig para kay Ruby.Nang makaupo na si Bella ay bumalik na ulit sila sa kanilang pagkain. Nasa gitna siya nina nick at steve. At gaya ng sabi ko, hindi man palaging nangyayari pero hindi na rin bago sa amin ang makasabay siya sa kainan."O tapos? Magpapaligaw ka ba?" tumingin sa akin si Mariel. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Para bang may hinihintay siyang sasabihin ko. Ah oo nga pala muntik ko ng makalimutan yung kwento ko. Si Bella kase panira eh!"Siyempre, hindi! Ang tapos na tapos na! Ang nakaraan ay hindi na binabalikan" mariing sagot ko sabay sumubo ng pagkain."Eh ano daw sinabi ng mama mo?" tanong ni Nick. Halatang mas nakuryus siya sa kung anong nagging sagot ni mama."Eh, heto na nga yung pinoproblema ko eh, kase itong si mama. Panay kase ang tanong niya sa akin, kung kailan ba daw niya makikita ang mga apo niya sa akin" bungisngis ko.I heard Bella chuckled. Biglang napawi ang ngisi ko at sumulya ako sa kanya. Anong nakakatawa mam? Ang sarap mang okray pero siyempre hindi ko sinabi at ginawa yon.Ngumisi siya "I'm sorry, I don't mean it. Go ahead" at talagang hiniling niya pang ipagpatuloy ko yung kwento. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba dapat ako o maooffend?"Anong sabi mo girl kay mother dear?" tanong ni Steve pagkatapos uminom ng tubig. Tapos na rin siyang kumain. Nakapalumbaba siya ngayong nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko."Eh ano pa, e di wala. Basta ang sabi ko sa kanya hindi ko na talaga babalikan si Justin, period!"Tumikhim si Bella, "What if kung pursigido talaga siya sayo?" tumingin siya sa akin. Ngumunguya pa siya ngayon. At kahit ngumunguya, kaaya aya pa rin ang mukha niya. Not a single flaw was visible on her face.Napasinghap ako saka umiling biglang pagtugon sa tanong niya.I saw her pouted and nodded slightly "Wala na talagang pag-asa?"Nalaglag ang panga ko sa follow up question niya na para bang hindi siya kumbinsido. At ngayon, lahat ng atensyon nila ay nakatuon na sa akin. Naghihintay sa sagot ko.Ako naman ay eto parang engot. Sigurado naman ako sa nararamdaman ko at sa sasabihin ko, pero bakit nung siya na ang nagtanong naramdaman ko na lang ang pagaalangan. Para bang hindi na tuloy ako sigurado sa isasagot ko ngayon. Walang hiya!"w-wala na" nauutal ako. Putek! "As in wala na talaga" I repeated it with conviction.At yon ang totoo!
To tell you a story, bago kami maghiwalay ni Justin, wala naman kaming naging problema. Pero after 8 months bigla na lang siyang nanlamig sa akin. Mahal ko naman siya noong mga panahon na yon pero hindi naman ganon ka sobra sobra. Na para ban ghindi ko kayang mawala siya. Kaya nung naramdaman ko ang panlalamig niya, ako na ang unang nakipagbreak sa kanya, in short pinadali ko yung trabaho para sa kanya, di ba? Dahil don rin naman papunta yon eh.At kung yung ngayon naman ang paguusapan, I think my love for him before wasn't greater enough to give him a second chance now. Kaya wala na talaga!Tumango tango si Bella. Was she convinced? Pero bakit naman ako mamomoblema kung kumbinsido siya o hindi diba? Wala naman siyang alalm sa buhay ko!"Eh kayo po mam?" tanong ni Steve at bumaling kay Bella.Sinulyapan siya ni Bella "what do you mean?" sabay ngumiti."Kamusta naman kayo ng babe niyo?" ngisi niya.Babe? Tiningnan ko si Steve. Nakangisi siya pero seryoso naman ang mukha niya habang nakaharap kay Bella. Ah well, minsan ko naman narinig sa kanila ang tungkol sa babe ni Bella. Pero gaya ng sabi ko ni isa don ay hindi namin nakilala, kaya hindi talaga ako sigurado kung may babe nga ba talaga siya. Baka mamaya biik pala yun."Si Mam, may babe? Paano magkakababe yan, eh tomboy yan eh" sabi ko but I meant it as a joke.Biro lang naman talaga yon pero bakit parang hindi sila natawa. Waley ba?Napangirit ako nang binalingan ako nang tingin ni Bella. Seryoso ang mga mata niyang tumingin sa akin. Napalunok ako."joke?" sabi ko at ngumisi.Mukha ngang hindi nakakatawa ang sinabi ko. Dahil nanatiling seryoso ang mga mukha nila. Para akong naging uneasy sa upuan ko ngayon. Pakiramdam ko unti unti akong lumiliit sa titig niya.Then I heard her chuckled, she chuckled, sexily. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya."Ayos naman kami. We're good" sabi niya at sinulyapan si Steve."Ah Nick, have you read the book about middle sex?" si Nick naman ngayon ang binalingan niya.Nilingon ko si Nick, parang may nagkling kling sa tenga ko nang marinig yung sex. Ano nga ba yung sinabi niya? Basta may sex, sex lang kase ang tumatak sa isip ko eh.Nagkatinginan pa ang mgajowa bago magsalita si Nick. "I haven't" sabay iling.Uminom si Bella ng tubig bago nakapagsalita ulit. "That was really a great book by Jeffrey Euginides"Patango tango si Nick nang sumulyap ako sa kanya. Hindi ako mahilig magbasa kaya wala akong alam sa mga sikat na libro. Pero itong si Nick, bukod sa mahilig sa babae, mahilig din siya magbasa. Ito naman si Steve magaling sa PR, pero ang low class naman ang mga lalakeng nabibingwit niya.Si Mariel mukha namang matalino, may pagkamataray nga lang kung minsan pero mabait na kaibigan. Sa unang tingin hindi mo talaga mapapansin na tomboy din itong si Mariel. Kase babae siya kung manamit. Yung nga lang madalas ay attracted siya sa mga mukhang boys na tulad ni Nick.At si Ruby, si Ruby na may sariling mundo. Now you see, now you don't. Ganyan siya!"Pst" kinalabit ako ni Steve nang nakagisi."Ano?" umirap ako."Ang bad mo kanina, alam mo ba yon?" ngumuso siya.Tsk! Inirapan ko siya ulit. Naman kase, pinaalala pa yung nangyari kaninang lunch."Kimberly Trinidad, is now being judgemental" Isa pa tong si Nick, sapatusin kita ngayon diyan eh!"Aray" sigaw niya nang sinapak ko siya sa kanyang braso. Ngumisi ako at sumimangot.Nakatingin ang iilang taga tailors sa amin, naeskandalo yata sila dahil sa ingay nitong si Nick."Eh bakit naman kase sa dinami dami nang pwede mong sabihin yon pa talaga ang pinili mong word, tomboy" hininaan ni Mariel yung huling salita niya na may quote and quote pa ngunit sapat lang para marinig namin.Napakamot ako sa aking leeg. Alam ko namang mali yung choice of words ko, pero alangan naman bawiin ko pa di ba? Saka biro lang naman talaga yun eh."Joke lang naman kase yun" depensa ko."Ha...ha...ha... sobra kaming natawa sa joke mo" sarkastikong sabi ni Nick at umiling."Eh kase, di ba marami siyang alam tungkol sa LGBT, so ayun" ngumuso ako at tumingin kay Nick."O tapos?" umirap siya."Tapos nung minsan nakita namin siya ni Mariel, kasama niya yung close friends niya na LGBT rin""O ano naman ang pinagkaiba non sayo Kim? Eh LGBT rin naman kami at kasa-kasama mo kami parati. Does that mean your also part of it?" ang nagmamagandang si Mariel na nagflip pa ng kanyang hair habang sinasabi yung huling salita."Siyempre, hinde!" mariin kong sinabi. "Okay ganito, sige ipagpalagay na natin na may mga babe nga siya, pero nasaan? may ipinakilala na ba siya sa atin kahit na isa man lang don?""Eh bakit magulang ka ba niya para ipakilala niya sayo ang kanyang jowa?" nagsalita si Ruby, na kanina pa pala nakikinig sa amin kahit nakaharap sa kanyang portable na sewing machine. Kunwari lang palang busy."Tama" patango tangong sabi ni Steve."Guys hindi man lang ba kayo nagtataka? Hindi ba nakakapagtaka yon?" sabi ko.Bigla silang natahamik. See, curiousity was written all over their faces. Pero siyempre nanindigan pa rin sila."Ay girl, you're being so judgemental na talaga" muling nagsalita si Steve. Humalukipkip siya nang tumingin sa akin. "Una sa lahat hindi mo naman alam kung bakit ko yon tinanong sa kanya. And the reason why I asked her, is because I saw her na may kasama" biglang tumigil si Steve na para bang nambibitin. Pero imbes na mabitin..."Weh!" sabay sabay kaming nag react. Halatang di naniniwala!"So anong nakita mo?" Tumayo pa si Ruby para lang lapitan kami at umusisa.Lahat ng atensyon namin ay naka Steve na ngayon. Para bang nanonood kami ng Ms. Universe at hinihintay iannounce ang grand winner."babae ba?"Lumaglag ang panga ko nang nilingon si Mariel. Ngumisiako at sumimangot.Sinong judgemental ngayon?
Comments
Post a Comment