Sometimes You Just Fall In Love
Chapter 4 - Strike Three Nasa Mecury Drug ako ngayon. Tapos na rin ako maglunch kanina doon sa office. Bibili sana ako ng gamot para sana don sa baby ng kuya ko. Kaso walang stocks. Kaya namili na lamang ako ng pagkain pang snacks mamayang hapon. Nang biglang tinawag ako nang isang pamilyar na boses. "Kimberly?" Natigil ako sa pagbabasa ng nutrifacts sa hawak kong curls para tingnan kung sino iyon. Si Bella with her same casual suit, may blazer nga lang siya ngayon. "Hi mam" ngiti ko. "Anong ginagawa mo dito?" she asked. Gusto ko sanang sabihin manood ng sine dito sa drug store. Kaso baka dito pa ako okrayin nito. "Ah may binili lang. Tapos eto tumitingin na rin ng pagkain para mamayang snacks" sabi ko sabay binalik ulit yung curls sa estante. Mahal eh. Yung tag sais lang ang hanap ko. "Kayo, may binili rin po kayo?" I asked. Naglalakad na ako palabas ng Mercury drug. Nakasunod din siya sa akin. Mukhang paalis na rin yata siya....