Posts

Sometimes You Just Fall In Love

Chapter 2 - Gandang Nakakadistract "Wow! this is really good! I really love the designs Ms. Arnaiz. Magaling ang Bridal designer na mo"  tuwang tuwa si Ms. Agape pagkatapos niyang makita ang ginawa kong mga designs. Siyempre sinunod ko na yung utos ni Bella na sundin ang gusto ng kliyente.  And Yes, I made it to the timeline! Halos hindi na nga ako natulog kagabi para lang matapos kong gawin yung mga designs na ipapakita kay Ms. Agape ngayon. Buti na lang at nagustuhan niya! Dahil pag hindi malilintikan na naman ako kay Bella. "Maraming salamat din po Ms. Agape at nagustuhan niyo po yung mga designs"  lumapad ang ngiti ni Bella natutuwa sa kanyang nakikita. "I really Love it. Super! Talagang kuhang kuha niya ang designs na gusto ko"  binalingan ako ni Ms. Agape. I smiled at her medyo pilit nga lang. Bakit? Eh ano naman ang kinaganda diyan sa designs na gusto niya? kung alam niyo lang? Masyadong old fashion. Heller! 2020 na kaya! Panahon pa ng kopong kopong...

Sometimes You Just Fall In Love

Chapter 1 - Ang Weird “Maganda naman, pero bakit parang hindi siya pareho sa gusto ni Ms. Agape?”  tanong ni Bella, ang wedding organizer at head ng Marry Me, Marry Me, nang sumulyap sa akin. Puno ng katanungan ang mga mata niya, ngunit mas nanaig ang pagkadismaya na umukit sa kanyang mukha. Nakaupo ako sa harapan niya sa pagitan ng kanyang mesa. Gabi na ngayon, kung kaya kami na lamang dalawa ang natitira dito sa shop. Kinailangan ko kaseng ipakita sa kanya iyong mga bridal designs na ginawa ko para sa kliyente namin. And this is just all I got from her. Disappointment! Hindi pa kasali diyan ang mga bulati sa tiyan ko na kanina pa nagrereklamo dahil sa gutom. Anong oras ba kami matatapos dito? Sinilip ko ang relo ko, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang sinilip ang relo ko, at shaks mag aalas syete na! Sinilip ulit ni Bella ang hawak niyang sketch book. Paulit ulit niyang tinignan ang magkabilang pages na naglalaman ng mga Bridal designs ngunit paulit ulit din siyang nap...